Pinaghahanda ni Sen. #gracepoe ang mga transportation official sa magiging reaksyon ng publiko sa jeepney modernization program, kabilang na ang utilization ng P200-milyong pondo para sa drivers' livelihood assistance.
Nakikipag-usap din si Senator Poe sa Department of Transportation #dotr na magsumite ng comprehensive data sa status at revised timeline ng PUVMP.
"Hindi tayo mananahimik sa isyu na ito dahil ang ating mga kababayang commuters at maliliit na drivers and pinakaapektado rito. Hindi pwedeng adapt or perish ang sitwasyon dito," giit ng senadora. #news5

image