@FranciscoMotors
Speaker Martin Romualdez at the House of Representatives of the Philippines
Maraming salamat po Speaker Martin Romualdez sa inyong suporta sa mga local manufacturers at sa pagnanais mapanatili ang disenyo ng tunay na Hari ng Kalsada. Asahan nyo po na ang Francisco Motors ay patuloy na gagawa ng abot-kayang tunay na Hari ng Kalsadang Francisco Jeepney na may pinakamagandang teknolohiya at likha ng mga manggagawang Pilipino para sa mga kapwa Pilipino. 🇵🇭🔋🚀🙏🏼
Video Credit: House of Representatives of the Philippines; January 25, 2024
Elmer Francisco - Chairman of Francisco Motors at the House of Representatives of the Philippines
Hanggang ngayon po na panahon ni Ka Mody Floranda ay Pambansang Industriyalisasyon parin po ang ipinaglalaban ng Francisco Motors at ng PISTON na makapagbibigay ng napakaraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino, hindi ang pag-aangkat ng mga mini-bus galing sa mga dayuhan. Sana po ay suportahan tayo ng kasalukuyang administrasyon. 🇵🇭
Video Credit: House of Representatives of the Philippines; January 25, 2024
Elmer Francisco - Chairman of Francisco Motors at CNN Philippines with Samantha Sadhwani
Bakit tayo papayag sa pwede na? Dito tayo sa pinakamagandang teknolohiya para sa ating mga kababayan. Higit pa sa full electric ang teknolohiya ng Francisco Motors para sa modernisadong Jeepney. Meron ding hydrogen-powered variant. Panoorin sa CNN Philippines.
Video Credit: CNN Philippines; January 19, 2024
Elmer Francisco - Chairman of Francisco Motors at DWIZ with Senyor Balita
PANOORIN: Francisco Motors kasama ni Senyor Balita ng DWIZ.
Ako’y lubos na nalulungkot sa sitwasyon kung bakit kinakailangan pang ipaglaban ng ating mga minamahal na mga jeepney operators ang kanikanilang mga kabuhayan. Di ba dapat ay ang gobyerno mismo ang nagbibigay ng kabuhayan sa mga mamamayan?
Wala po tayong hinto sa pakikipag-usap at palikipag-ugnayan sa DOTr, LTFRB at OTC sa paghahanap ng mga maaaring maging solusyon dito sa problema ng modernisasyon ng pampublikong jeepney.
Mga ka-jeepney, kapit lang po at walang bibitaw. Hindi ka nag-iisa. Iba-iba man po tayo ng paraan sa pakikipaglaban ay pareho lang po ang ating layunin na mapanatili at lalo pang mapaganda ang kabuhayan ng bawat Pilipino. Hindi po tayo hihinto hangga’t may naiiwanang mga kasamahan nating maliliit na jeepney operators. 💪🏽🇵🇭
Video Credit: DWIZ; January 18, 2024
Francisco Motors is the oldest and the biggest 100% Brand New Jeepney Manufacturer in the world