ZOOM: Francisco Jeepney Hari ng Kalsada - Virtual Launch and Price Reveal Cover Image
30

Nov

ZOOM: Francisco Jeepney Hari ng Kalsada - Virtual Launch and Price Reveal

Interested people
There are no interested users.
30

Nov

Start date
11/30/23 - 21:00
30

Nov

End date
11/30/23 - 22:00
Description

Kung nabubuhay pa si Andres Bonifacio ay siguradong isisigaw nya ang kanyang tanyag na katagang, "Sugod mga kapatid!" dahil naglipana ang mga mini bus at truck na gawa ng mga dahuyan at pilit nilang tinatawag na Jeepney upang palitan ang ating tunay na HARI NG KALSADA. Inaagawan po nila ng trabaho ang mga manggagawang Pilipino na di hamak na mas magaling gumawa ng tunay na Jeepney.

Ngayong araw ni Andres Bonifacio, ang eFrancisco Motor Corporation o eFMC, na simula't sapul ay gumagawa na ng tunay na Jeepney, ay may ilalahad na magandang balita para sa ating mga kasamahan sa industruiya ng Jeepney na mga operator at mga tsuper.

Tayo po ay magsama-sama at magtulung-tulong upang maisalba ang ating mga kabuhayan na pilit nilang tinutuldukan.

Maraming salamat po!