CNN Philippines
Mungkahi ng Francisco Motors sa liderato ng Kamara ➡️ Gawing OPTIONAL ang consolidation ng Jeepeny operators.

Ang mga gustong mag consolidate dahil may nakikita silang benepisyo na makakatulong sa kanila, hayaan silang mag-consolidate. Pero ang mga walang nakikitang benepisyo dito at puro pahirap lang ang nakikita at nararanasan sa consolidation, dapat ay wag pilitin kung kaya naman nilang magmodernisa ng kani-kanilang mga Jeepney.

Malinaw pa sa sikat ng araw sa mga Congressional inquiries na hindi angkop ang consolidation para sa lahat dahil may mga kooperatiba at korporasyon na maayos ang pamamalakad at may mga hindi.

Bakit ipipilit ng LTFRB sa mga maliliit na jeepney operators ang tiyak na pagbagsak ng kanilang mga kabuhayan?