Radyo Pilipinas
Maraming salamat po, Cong. Erwin Tulfo at kay Speaker Martin Romualdez sa inyong suporta para sa mga lokal na manggagawa ng jeepney at sa mga manggagawang Pilipino. 🇵🇭

Lumabas narin po ang katotohanan sa bibig po mismo ni OTC Chairman Andy Ortega na sa nakaraang admisitrasyon ay saling-pusa ang dalawang pinakamalalaking manggagawa ng Jeepney sa kasaysayan ng mundo, ang Francisco at Sarao dahil klarong pinaboran ang mga dayuhang mini-bus.

Totoo naman din po at ako'y nagpapasalamat din po na ngayong si Secretary Jimmy Bautista na ang naka-upo sa DOTr ay napapansin na po tayo maski papaano at kasalukuyang pinoprocess ng kanyang opisina ang ating Certificate of Compliance para sa ating 2024 na modelo ng ating full electric Francisco Jeepney. 🔋🔌