Mga ka-Jeepney, ito po ang LTFRB Memorandum Circular 2024-001. Ito po ang inyong panghahawakan na maaaring ipakita sa law enforcers kung sakaling may mga manghuhuli sa inyo kaugnay sa industry consolidation. Kung hindi pa po nila alam, extended po hanggang April 30, 2024 ang industry consolidation habang pinag-aaralan ng mga kinauukulan ang mga nilalaman ng PUVMP. Magkita-kita po tayo mamayang alas-9 ng gabi sa Zoom meeting natin. Tamang-tama, naka-uwi na kayo nun galing sa Congressional inquiry ngayong araw. Salamat po 🙏🏼

image