Sa mga nagmamadali, bumili na po kayo ng gawang China. Hindi po ako magtatampo sa inyo. Pag sira na makalipas ng ilang taon at nakalubog na kayo sa utang, pwede na po natin yang palitan ng tunay na Haring Kalsadang Francisco Jeepney na subok nang matibay at maaasahan sa loob ng halos walong dekada. Pag Francisco Jeepney na ang gamit nyo, unti-unti na kayong makakaahon sa pagkakalubog nyo sa utang dahil sa pagkamamahal na basurang Euro 4 diesel galing China.

Hindi rin naman po kayo minamadali ng DOTr at LTFRB. May ilang taon pa po kayo para pakinabangan ang lumang Jeepney nyo bago kailangang mag modernisa. Dito na po tayo sa sariling atin at abot-kaya pa sa presyong 985k lang para sa unang 1,000 units, 50k lang po ang reservation fee kada unit at pwedeng derecho sa amin mag hulugan ng walang interest. Kaunting hintay nalang po mga kabayan at magrorollout na po tayo.

Sumali na sa TsuperHero Program ng Francisco Motors. Walang bayad. Gumawa ng libreng account sa https://Jeepney.io para malaman kung paano at makadalo sa susunod nating Zoom meeting kung saan ay malalaman ang lahat ng mga detalye at specifications ng modernisadong Francisco Jeepney. 🇵🇭🔋🔌

image