Mga ka-Jeepney, hindi lang po ako ang nagsasabi nyan. Si House Speaker Martin Romualdez at ang pamunuan na po mismo ng Kongreso ang nagsasapubliko. Maging si Senator Raffy Tulfo ay yan din po ang isinisigaw. Hindi magtatagal maging si Pangulong Bongbong Marcos ay yan narin ang isisigaw. Tiyak na pinaka-huli ang LTFRB pero sigurado akong yan din ang nasa isip at puso ng mga kapwa Pilipino nating nasa DOTr, LTFRB at OTC. Hindi lang po sila makapagsalita.

Bibili pa ba kayo ng milyun-milyong pekeng jeepney na halatang kinopya lang sa Francisco Jeepney o mini-bus na galing China? Pinaglololoko lang tayo nung mga yon at gusto kayong pagkakwartahan habang kayo ay lumulubog sa utang sa Landbank at DBP. Pati ang mga lagay ay kayo rin ang maghuhulugan. Panoorin nyo, nasa Congressional inquiry yan na hindi pa tapos at ipagpapatoy panyan next week.

image