Naaalala nyo pa ba yung mga kulay Orange na mga pampublikong sasakyan na ginagamit sa Cultural Center of the Philippines (CCP Complex) na tinatawag na PINOY AUV
at likha ng Francisco Motors?
Traffic ba kamo? Modernization daw at dapat environment friendly?
Lumilipad na Luft PINOY eVTOL (electric Vertical Take-Off and Landing) na gumagamit ng Hydrogen propulsion technology ang kasalukuyang dinedevelop ng Francisco Motors, kaugnay ng isang Florida-based aircraft manufacturer, na magkakaroon ng prototype sa katapusan ng taon dahil ang full electric Francisco Jeepney ay halos perpekto na at nakakasa na para sa mass production.
Napakaganda nito para sa Pilipinas na isang archipelago kung saan mas bibilis ang pagpunta sa mahigit 7,101 na isla sa buong bansa. Maaari itong magamit bilang pampublikong transportasyon, emergency medical resonse o air ambulance, disater response, border defense, last-mile delivery, law enforcement at iba pa.
Sa Special Economic Zone ng Francisco Motors sa Camarines Norte ang tinatawag na Ground Zero ng mga makabagong teknolohiyang ito. Ito ay magbibigay ng libu-libong trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
Basahin ang mga detalye sa artikulo ni Parekoy Marlo Dalisay sa Abante Tonite.
https://tonite.abante.com.ph/2....024/02/14/gagala-ba-