Nakikita nyo ba yang pulang FMC logo sa stainless bumper na yan? Pag humarang kayo sa dadaanan nyang tunay na Hari ng Kalsada, yan ang huli nyong makikita bago kayo tumumba.
Hindi papayag ang Francisco Motors na mga dayuhan ang makinabang sa modernisasyon ng Jeepney. Dapat ay mga manggagawang Pilipino ang magkaroon ng trabaho dito sa Pilipinas. Tinatanggal nyo ang mga trabaho na dapat ay para sa mga Pilipino.
Mahiya kayo sa mga anak at mga apo nyo. Makaka-commission kayo ngayon mula sa mga dayuhan pero wala nang trabahong maghihintay para sa mga anak at mga apo nyong pinaghihirapan nyong paaralin ngayon dahil sa ginagawa nyo.
Nakakasuka na nagpapapicture pa ang mga opisyales ng gobyerno sa pirated Jeepney galing China na dapat ay ipinapatigil nila. Ipatigil ang direktang pag-aangkat ng mga mini bus at pekeng Jeepney galing China. Kung ang mga nagbebenta nga ng mga pirated DVDs ay hinuhuli, bakit hindi hulihin ang nagbebenta ng mga pirated Jeepney?
Mga ka-Jeepney, wag kayong magmadali sa pagbiling modernisadong Jeepney at hindi rin naman kayo minamadali ng DOTr at LTFRB. Wag kayong magpa-uto sa mga dayuhan na kukulitin kayong bumili agad upang pagkakwartahan at palulubugin lang kayo sa utang. Kung talaga namang nagmamadali kayo, sige bumili kayo sa China at dun narin kayo tumira.
https://www.cnn.com/2024/01/16..../asia/philippines-je