Pag panahon ng krisis tulad nung kasagsagan ng pandemya, unang-unang accredited on DAY 1 ng lockdown ang Francisco Jeepney pati ang mga TsuperHero ng Francisco Motors na may IATF ID agad sa loob lamang ng ilang oras para makatakbo agad sa libreng sakay ng DOTr at maipost nila sa Facebook na may ginagawa sila. Walang requirements requirements dahil alam naman nilang lahat na pasado ang Francisco Jeepney at subok nang ligtas at matibay. Yan po ay dahil sila ang may kailangan.
Kitang-kita naman po ang tibay at tatag ng mga modernisadong Francisco Jeepney maski sa rough roads na 24-oras ang operasyon ng walang aberya di tulad ng mga mini-bus na maya't maya ay sira at binabatak pa ng Francisco Jeepney.
Pagkatapos ng krisis at ng pandemya, ang dami nang hinihinging requirements at napakaraming dadaanang ahensya ng gobyerno bago ka mabigyan ng accreditation. DTI, SEC, BIR, LGU, DOST, DOE, DENR, DOST, LTO, PNP, BOC, DOTr, LTFRB, etc. Tapos sasabihin nila RED CARPET?
RED TAPE ang tawag dyan at hindi RED CARPET. Haay buhay!
Pero, may paraan naman yan tulad ng ginawa ng mahigit 50 na pekeng jeepney ng nga dayuhan na inaccredit nung mga nakaraang naka-upo para mabilis maski kulang-kulang ang requirements nila at alam naman nating lahat na mausok ang mga Euro 4 diesel na makina nila at hindi tunay na makakalikasan tulad ng mga kasinungalingang sinasabi nila.
Ano sa tingin nyo mga kabayan? Ang ganon eh, gagun-ganon nalang yon para ganyan at maka kwan na tayong lahat. Approved?!@% Klaro diba?