Francisco Jeepney
Mga ka-Jeepney, wag po kayong magmadali sa pagbili ng modernisadong Jeepney. Hindi naman po kayo minamadali ng DOTr at ng LTFRB. Meron pa po kayong 27 na buwan mula sa approval ng LPTRP ng LGU nyo bago nyo kailangang palitan ng bago ang lumang Jeepney nyo. Pwede nyo pa po yang pakinabangan ng ilang taon.

Wag kayong magpa-uto sa mga dayuhang naglalako ng pagkamamahal na mga mini-bus o pekeng Jeepney na minamadali kayong bumili. Tiyak na hindi magtatagal yung mga yon at lulubog lang kayo sa utang dahil sa pagkamamahal tapos wala pang piyesa. Kukwartahan lang kayo nyang mga yan.

Ang pinakamagandang gawin nyo ay sumali sa TsuperHero Program ng Francisco Motors upang lalong lumaki ang inyong kita sa kasalukuyan. Parami po tayo ng parami nationwide sa ating hanay. Magkitakita po tayo sa weekly Zoom meeting ng Francisco Motors upang malaman ang mga detalye. Alamin kung paano sumali, gumawa ng libreng account sa Jeepney. Walang bayad mga kabayan! 🇵🇭