Ang tunay na \Hari ng Kalsada\ ay aarangkada na! ???⚡️
Ang tunay na “Hari ng Kalsada” ay aarangkada na! 👑🔋🔌⚡️
Hindi na po tayo gagawa ng diesel na Francisco Jeepney at puro full electric at hydrogen na po ang gagawin natin dahil napakamahal po ng bentahan ng mga diesel na makina mula sa mga dayuhang kumpanya na tila ayaw magbenta para pagkakitaan nila ang kanilang mga mini-bus na hindi naman po jeepney. Mas magagaling pong gumawa ng jeepney ang mga manggagawang Pilipino kaya hindi po tayo papayag na angkatin ito mula sa ibang bansa. Ang bibigyan po natin ng mga trabaho ay ang ating mga kapwa Pilipino.
Maraming salamat din po kay Governor Dong Padilla ng Camarines Norte sa pagtulong sa atin na mai-locate ang ating integrated jeepney manufacturing facility sa Special Economic Zone sa Barangay Larap, Municipality of Jose Panganiban kung saan ay lalo pa po nating mapapababa ang presyo ng ating eJeepney at makakapagbigay rin po tayo ng libu-libong trabaho para sa ating mga kababayan.
Tayo po ngayon ay nasa proseso ng pagpapa certify ng ating pinakabagong modelo ng Francisco Electric Jeepney sa DOTr at DOST upang mabigyan ng Certificate of Compliance (COC). Para sa mga interesado sa tunay na "Hari ng Kalsada", maaari po kayong magpadala ng Letter of Intent (LOl) to purchase sa info@Francisco Motors.com.
Maraming salamat po!
Video Credit: ABS-CBN News, TV Patrol & Alvin Elchico, March 4, 2023 🙏🏽
#jeepney #ejeepney #francisco #franciscojeepney #dotr #abscbn #tvpatrol