Elmer Francisco - Chairman of Francisco Motors at One Balita Weekend with Angela Lagunzad
Sa pagmomodernisa ng jeepney, dapat ay walang maiiwanan maging mga operator, tsuper, mananakay o manggagawang Pilipino.

Ang Francisco po mahigit pitong dekada nang nagseserbisyo sa industriya ng jeepney pero kailanman ay hindi po kami namilit ng mga operator na bumili sa amin ng jeepney dahil hindi po kami nagbebenta ng jeepney. Ang ibinebenta po namin ay kabuhayan kaya kung hindi po kayo mabubuhay sa ibinebenta naming kabuhayan ay hindi po namin ito ibebenta. Pilit po nating ibinababa ang presyo ng ating modernisadong tunay na jeepney (hindi mini-bus or truck na nilagayn ng mgabupuang pampasahero) at patuloy po tayong nakikipag-ugnayan sa mga bangko upang makapagbigay ng pinakamababang hulugan para sa ating Hari ng Kalsada.

Lahat po ng mga nakabili ng Francisco Jeepney ay makakapagpatunay na ito’y pangmatagalan dahil ito po ay bago at tunay na maaasahan. Marami nga pong mga gawa namin na limampung taon na ang nakalipas ay maganda parin at namamasada parin po hanggang ngayon. Kaya naman po buo ang tiwala ng karamihan sa Francisco Jeepney.

Ngayon po sa electric na Francisco Jeepney, garantisado pong ito ay nagtataglay ng pinakabagong teknolohiya at hindi tulad ng mga Euro 4 o Euro 5 diesel na pinaglumaan at obsolete na po sa mga mauunlad na bansa kaya pilit nilang inilalako sa atin. Hindi po tayo basurahan kaya wag po tayong tumanggap ng basura. Gagawa po tayo ng sariling atin na electric jeepney na likha ng mga manggagawang Pilipino. Tangkilikin ang sariling atin! 🇵🇭🔋⚡️

Video Credit: One Balita Weekend, Angela Lagunzad; March 27, 2023

#franciscojeepney #jeepneymodernization #francisco #dotr #jeepney #electricjeepney #electricvehicles #electric #onebalitaweekend #angelalagunzad