Elmer Francisco - Chairman of Francisco Motors at the House of Representatives of the Philippines
PANOORIN ANG PAHAYAG NG FRANCISCO MOTORS SA KONGRESO đ”đ
Mga ka-Jeepney, wala na pong ibang manufacturers na mabanggit si LTFRB Chairman Guadiz sa Kongreso kundi ang Francisco Motors na may tunay na Jeepney, full electric at may pinakamurang presyo.
Lahat po ng mga Kongresista ay panig din sa local manufacturers at sa iconic na disenyo ng tunay na Hari ng Kalsada.
Nung tanongin ni Cong. Acop na Chairman ng Committee on Transportation and ating mga operators, lahat po ng mga kasamahan nating Jeepney operators na nadun sa Kongreso ay pipiliin ang tunay na Jeepney kaysa dun sa mini-bus. Wala ni isang kumontra.
Wala na pong kailangang pag-usapan dito kundi dapat ay gawin optional ang industry consolidation dahil kaya na namang magmodernize ng ating mga Jeepney operators maski hindi sila sumali sa kooperatiba o korporasyon.
Dapat ay bigyan sila ng kalayaang pumili kung magcoconsolidate ba sila o hindi bastaât sila ay magmodernize ng kanilang mga units para sa kapakanan ng mga mananakay at ng ating kalikasan.
Video Credit: House of Representatives of the Philippines; January 11, 2024